My SCORE: 48
What your score means:
Nasa healthy levels ang pagiging seloso/selosa mo. Always tama ang timpla. Pop Cola! Confident ka sa sarili mo, and you feel secure enough sa mga romantic relationships mo. Alam mong medyo makamandag ang alindog mo at hindi ka agad-agad ipagpapalit ng honey mo. Pero paminsan-minsan, aminin mo man o hindi, ay tinatamaan ka din ng selos. Maaaring iba't-iba ang istilo mo ng pag-deal sa selos. Pwedeng nagkukunwari ka sa ibang bagay o sitwasyon na hindi ka apektado pero deep inside ay nagngingitngit ka sa inis. Ayaw mong magpahalatang nagseselos ka. Pag tinanong ko ni labs ng "Galit ka ba?" sasagot ka ng isang makabagbag-damdaming "HINDI!" Kung nahihirapan kang magpakatotoo, bumili ka ng Sprite, mura lang naman. Actually, style mo lang yang "silent treatment" at "galit-galitan" para amuin ka nya. Diba? Aminin! Or pwede din sa pa-cute o pabirong paraan mo pinapakita ang pagseselos mo. Tipong, "Babes, balita ko may bagong may crush sayo sa office nyo ah. Cute pa daw! Uuuuy!" Pero huwag ka, deep inside selos-selosan din ang drama mo. (At syempre inaasahan mong sumagot si Babes ng, "Uy wala yun. Tsaka di kaya cute yun. Di hamak na mas pogi/maganda ka dun!") Normally you try to set aside feelings of jealousy kung sa tingin mo ay wala naman talagang basehan. But at the same, you're not too naive to think that your honey is a saint. Alam mong kahit papano ay may konting kalandian din yun. Pero dapat alam nya ang limitations nya. Pag nahuli mong tinu-two-time ka na pala ni honey, aba hindi mo 'to papalampasin! Instead na umiyak ka lang sa isang sulok, you'll angrily confront him/her and demand to know the whole truth. Ano, basta-basta na lang papaloko? No way!
SCORING SYSTEM:
a = 1 point
b = 2 points
c = 3 points
d = 4 points
20 to 34 points = Ikaw ay mahinahon, mapagtiwala sa kapwa, at walang halong malisya sa kahit ano pa mang sitwasyon. In short, medyo tatanga-tanga kang nilalang. Haller! Buksan mo naman ang mga mata mo at gamitin ang utak paminsan-minsan. Baka kahit mahuli mo na ang syota mong hubo't hubad with another person na wala ding saplot, tapos sinabi ni syota na, "Wait honey, I can explain. Nagjajak-en-poy lang kami, kaya lang mainit kaya nagtanggal kami ng damit" eh maniwala ka. Actually, on a certain level, nase-sense mo din naman kung masyado ng suspicious ang isang sitwasyon at kung feeling mo ay may kabalastugan ng ginagawa ang labs mo. Kaya lang, parang na-brainwash mo na ang sarili mo na huwag na lang itong pansinin. Pwedeng kitakatwiran mo na lang sa sarili mong what you don't know won't hurt you. So minsan kahit andyan na ang mga signs, ini-ignore mo na lang. Better na hindi mo na lang malaman for sure, kesa ma-confirm mo at masaktan ka. Sabi nga, ignorance is bliss. Or pwede din na pinipili mo na lang magbulag-bulagan kasi you'd rather not rock the boat, so to speak. Natatakot kang baka mawala sya sayo, at hindi ka na makahanap ng iba, at tumanda kang binata/dalaga, walang kasama sa pagtanda kundi ang alaga mong pusa, at isang araw ay matagpuan ka na lang ng mga kapitbahay mo, dedo na, at kinakain na ng pusa mo ang mga labi mo. (Sobrang exxag na ang naging kwento ha!) Pwede ba, tigilan! Binabaril sa Luneta ang mga martyr.
20 to 34 points = Ikaw ay mahinahon, mapagtiwala sa kapwa, at walang halong malisya sa kahit ano pa mang sitwasyon. In short, medyo tatanga-tanga kang nilalang. Haller! Buksan mo naman ang mga mata mo at gamitin ang utak paminsan-minsan. Baka kahit mahuli mo na ang syota mong hubo't hubad with another person na wala ding saplot, tapos sinabi ni syota na, "Wait honey, I can explain. Nagjajak-en-poy lang kami, kaya lang mainit kaya nagtanggal kami ng damit" eh maniwala ka. Actually, on a certain level, nase-sense mo din naman kung masyado ng suspicious ang isang sitwasyon at kung feeling mo ay may kabalastugan ng ginagawa ang labs mo. Kaya lang, parang na-brainwash mo na ang sarili mo na huwag na lang itong pansinin. Pwedeng kitakatwiran mo na lang sa sarili mong what you don't know won't hurt you. So minsan kahit andyan na ang mga signs, ini-ignore mo na lang. Better na hindi mo na lang malaman for sure, kesa ma-confirm mo at masaktan ka. Sabi nga, ignorance is bliss. Or pwede din na pinipili mo na lang magbulag-bulagan kasi you'd rather not rock the boat, so to speak. Natatakot kang baka mawala sya sayo, at hindi ka na makahanap ng iba, at tumanda kang binata/dalaga, walang kasama sa pagtanda kundi ang alaga mong pusa, at isang araw ay matagpuan ka na lang ng mga kapitbahay mo, dedo na, at kinakain na ng pusa mo ang mga labi mo. (Sobrang exxag na ang naging kwento ha!) Pwede ba, tigilan! Binabaril sa Luneta ang mga martyr.
35 to 49 points = Nasa healthy levels ang pagiging seloso/selosa mo. Always tama ang timpla. Pop Cola! Confident ka sa sarili mo, and you feel secure enough sa mga romantic relationships mo. Alam mong medyo makamandag ang alindog mo at hindi ka agad-agad ipagpapalit ng honey mo. Pero paminsan-minsan, aminin mo man o hindi, ay tinatamaan ka din ng selos. Maaaring iba't-iba ang istilo mo ng pag-deal sa selos. Pwedeng nagkukunwari ka sa ibang bagay o sitwasyon na hindi ka apektado pero deep inside ay nagngingitngit ka sa inis. Ayaw mong magpahalatang nagseselos ka. Pag tinanong ko ni labs ng "Galit ka ba?" sasagot ka ng isang makabagbag-damdaming "HINDI!" Kung nahihirapan kang magpakatotoo, bumili ka ng Sprite, mura lang naman. Actually, style mo lang yang "silent treatment" at "galit-galitan" para amuin ka nya. Diba? Aminin! Or pwede din sa pa-cute o pabirong paraan mo pinapakita ang pagseselos mo. Tipong, "Babes, balita ko may bagong may crush sayo sa office nyo ah. Cute pa daw! Uuuuy!" Pero huwag ka, deep inside selos-selosan din ang drama mo. (At syempre inaasahan mong sumagot si Babes ng, "Uy wala yun. Tsaka di kaya cute yun. Di hamak na mas pogi/maganda ka dun!") Normally you try to set aside feelings of jealousy kung sa tingin mo ay wala naman talagang basehan. But at the same, you're not too naive to think that your honey is a saint. Alam mong kahit papano ay may konting kalandian din yun. Pero dapat alam nya ang limitations nya. Pag nahuli mong tinu-two-time ka na pala ni honey, aba hindi mo 'to papalampasin! Instead na umiyak ka lang sa isang sulok, you'll angrily confront him/her and demand to know the whole truth. Ano, basta-basta na lang papaloko? No way!
50 to 64 points = Isa kang certified Bakod King/Queen. Kulang na lang ay magpatayo ka ng mataas na bakod sa buong paligid mo at ng iyong sweetheart para wala ng ibang makasingit. Daig mo pa ang lahat ng batikang point guards ng NBA kung pag-babantay ang pag-uusapan. May kumausap lang na cute sa bf/gf/ka-MU mo, nandun ka agad sa tabi nya para bakuran sya at titigan ng masama yung taong feeling mong nagpapa-cute sa kanya. Minsan nga pati sa mga kaibigan nya nagseselos ka. Pero in spite of all your guarding skills, feeling mo minsan nakakalusot pa din si sweetheart sa paglulumandi sa iba. Well, that may or may not be actually true. Dahil may pagka-paranoid ka din. Madali kang magduda at magbigay ng malisya kahit na sa mga inosenteng bagay. Halos kada may mag-text na lang sa honey mo, naghihinala ka agad na baka kalandian nya na yun. Magpaalam lang syang lalabas kasama ang mga kaibigan, nag-iisip ka agad na baka may gawin syang kalokohan. Kaya naman aside from being a Bakod King/Queen, meron ka pang isang title: Kapit-tuko King/Queen. Lagi kang nakadikit sa kanya. Halos sa lahat na lang ng lakad nya nag-pepresenta kang sumama. Halos di ka na humihiwalay sa kanya, for fear na baka matukso sya ng ibang makakating nilalang pag mag-isa lang sya. That's actually one of the root causes of your extreme feelings of jealousy and possesiveness: takot kang iwan ka nya at ipagpalit sa iba. Which in turn is a sign of your insecurity. Ironically, mas malaki ang posibilad na hiwalayan ka ng syota mo dahil sa sobrang pagiging insecure at possessive mo. Pwede syang masakal at ma-turnoff sa dami ng mga kadramahan at pa-epek-epek mong dulot ng sobrang pagdududa at pagseselos.
65 to 80 points = Ikaw na yata ang hari/reyna ng pagseselos, to the point na praning ka na minsan. Ikaw yung tipong, "honey bakit ka nag-toothbrush, may kahalikan ka mamaya noh!", "honey bakit bago yung suot mong underwear, makikipag sex ka sa iba noh!", "honey bakit 55 minutes na lang tayo nag-uusap gabi-gabi, samantalang dati 1 hour, may tatawagan ka pang iba noh!" Susme! And if that's not bad enough, kadalasan dinadaan mo pa sa sindakan, pananakot, at bayolenteng pamamaraan ang pagseselos mo. Para sayo, "offense is the best defense." Kutuban ka lang ng konti, o makita mo lang na napatingin sa pogi/maganda/sexy si honey mo habang naglalakad kayong magkasama, aba umaatikabong gyera agad yun! Ililitanya mo na sa kanya lahat ng mga kamalian at kataksilan nya, whether real or imagined. Pero dahil sa sobrang kapraningan mo, karamihan imagination mo lang talaga, o kaya'y maliliit na bagay na pinalaki mo lang ng husto. Naniniwala ka na kung hawak mo sa leeg ang honey mo, the less chances na makakagawa sya ng kalokohan. Kaya naman you try to control his/her actions. Dapat umuwi agad sya pagkagaling sa school/office, dapat alam mo ang mga passwords nya sa email at ibang online accounts nya, dapat pwede mong basahin ang mga text messages sa cellphone nya, bawal syang mag-chat, bawal mag-tristan (yikes!), at kung ano-ano pang demands na kailangan nyang sundin, or else. Minsan nga nag-i-insist ka pa na magpalit kayo ng SIM card paminsan-minsan, para ma-monitor mo ang mga nagtetext sa kanya. At pag hindi sya pumayag, bibira ka agad ng, "Siguro may tinatago ka noh!" Inaaway mo din yung mga pinagseselosan mong tao, yuyurakan mo ang buong pagkatao nila at pagbabantaan pa. Que sehodang mawalan ka ng breeding, basta sugod kung sugod! Certified praning ka talaga!
No comments:
Post a Comment
Thank you for dropping by!