Ang dami-daming nagbabago ngayon. Mga lugar, kainan, mga logo ng bangko, mga logo ng restaurant. Ang mga pulis lumalala, ang mga pulitiko, lalong lumala. Ang mga tao pagod na, ang iba naman tumanda na at nag-kaanak.
Nabanggit ko nalang din ang salitang "nagka-anak", malapit na rin ako dyan. Kaya pagkalaki-laking pagbabago ang pinagdadaanan ko ngayon.
Pero parang pagbabago lang naman ng logo. Ganun pa rin ang katauhan, ang mga prinsipyo, ang kaisipan. Ganun pa rin ako - minsan makulit, minsan mataray. Dito parin ako nagtatrabaho kung saan ako nagtatrabaho bago pa dumating ang pagbabagong ito. Ganun parin ang pamumuhay, payak pero masaya. Ang mga pangarap ko para sa sarili ko dati, ganun parin. Ang pagbabago eh nangyari sa pisikal na anyo, para ka lang nagbago ng logo. Pero kaakibat nito eh ang pagbabago na rin ng pananaw mo sa iyong hinaharap - "pyuchur" ika nga.
Nagbago ang pananaw ko sa mundo, parang gusto ko lahat maayos at masaya dahil hangad ko na paglabas ng munti kong anghel eh hindi sya mabigla sa tunay na buhay sa labas ng aking sinapupunan. Ngayon eh kasama na sya sa mga plano - sa budget, sa pagbili ng mga gamit sa bahay, pagpaplano ng kakainin pati ng pwedeng inumin. At syempre, nagbago na rin ang pisikal kong anyo. Nagkalaman na ang aking mga pisngi at braso. Pati hita. Pati kamo balakang. At ngayon, hinahanap-hanap ko na yung mga damit ko dati na maluwag na sana. Mukha na akong nakalulon ng maliit na pakwan. Minsan nauuna na rin ang tyan ko 'pag naglalakad ako. Pakiramdam ko rin eh araw-araw na binibinat ang balat ko sa tyan. Pero ok lang. Dumating din ang panahaon na nagbago ang panglasa ko. Ayaw ko ng lechong manok at amoy ng bawang. Bumibili ako ng prutas, pero di ko kinakain. Kumakain ng gulay, pero di inuubos. Dapat uminom ng gatas, pero ayoko sa amoy. Andyan din yung panahon na ang gusto ko lang kainin eh puro tinapay, o kaya eh cupcake, at ng lumaon, cake na. Kaya takbo sa pinakamalapit na department store, may Goldilocks kasi dun. Akala pa nga namin eh nawala na, kasi nagbago rin ang itsura ng logo nila. Buti nalang mali kami - andun pa rin sila, ganun pa rin ang lasa. Masarap. At mabango.
Iilan lang ang mga ito sa ang pagbabagong pinagdadaanan ko at patuloy pang daraanan. Mga pagbabagong masarap. Kaayaya. Dahil alam mo na pagkatapos ng pagbabagong ito, lahat ay maayos pa rin. Gaya ng dati, pero mas masarap at mas nakakatuwa.
Wednesday, September 8, 2010
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
Hi, Still Alive. How’re you?
So I decided to visit my blog. Just because. And of course, since I didn’t delete it, it’s still here. Stagnant. Just observing. Doing noth...
-
Aside from the fact that we might see this Doctor Hayden Kho and Katrina Halili and a bunch of other girls like this Maricar Reyes (who I mi...
-
After a few days of agony, months of review, and several nagging about his playing computer games and watching online documentaries of Jacki...
-
A total of 1,094 out of 2,985 passed the Civil Engineer Licensure Examination given by the Board of Civil Engineering in the cities of Manil...
No comments:
Post a Comment
Thank you for dropping by!