Wala lang. I just thought that title was catchy and creepy. I just felt like making another post before I decidedly ride a jeepney and go home- well, ride two jeepneys actually.
I just want to spend a little time exercising my fingers, exercising my brain, trying to write down witty lines, or trying to practice my english especially nowadays when no one around the office seems to appreciate, nor like to, speak in english (except when maybe talking to a foreigner supplier who just happened to barge in and demand for payment). I miss my high school friends. We used to talk in english especially when we were out to dish out fancy expletives on people we don't like. :)
Recently, I haven't found someone who'd be up to a conversation in english, nor is up to talking with me the whole day in english, or who is up to just talk to me in english. I haven't found another decent human being, that's not a foreigner, who'd be willing enough to indulge my brain cells and go practice speaking in english with me.
Anyway, I'd also like to post something here in tagalog. Siguro sisimulan ko nalang sa talatang ito. Minsan kasi nakakapagod din mag-isip ng kung anu-anong salita sa Ingles na magandang pakinggan, o kaya eh yung mga salitang ang akala mo eh sobrang lalim na ng ibig sabihin, yun pala pangkaraniwan lang na ginagamit. Di ka lang talaga nakikinig kaya akala mo eh paghenyo na yung sinasabi nung taong kaharap mo. Minsan naman kasi, lalo na kapag nakatira ka sa lungsod o sa probinsya kung saan di ka naman talaga doon lumaki, nakukuha mo rin yung pamamaraan ng pagsasalita nila. Pati nga minsan yung tono eh kuhang kuha na rin. Buti nalang nga at 'pag nagtatagalog ako eh hindi naman masyadong kakaibang pakinggan. Di ko naman kasi rin masyadong dinibdib yung tono ng Cebuano/Bisaya. Mahirap na pag lumipat na naman ako ng titirhan. Pa'no na, di ba?
Ay naku, ewan ko nga ba kung ano na naman ang pumasok dito sa kukote ko at parang gusto kong magbabad dito sa blog ko ngayon. Pakiramdam ko kasi, mas makakapagpagaan ng loob kung sasabihin ko nalang dito sa mga pahinang ito ang mga saloobin ko kaysa naman sabihin ko sa kapwa tao. Dito kasi, di n'yo naman nakikita kung ano na itsura ko habang pa-pindot-pindot ako dito sa keyboard, di ba? Di n'yo rin naman ako pwedeng sigawan sa harap ko, dahil hindi naman tayo magkaharap! Di nyo rin akong pwedeng laitin na naririnig ko, pwera nalang kung kilala nyo ako at pwede nyo akong puntahan sa bahay ko o kaya eh dito sa opisina at saka pagalitan nang dahil sa mga kagagahang pinaggagagawa ko. Ayoko rin naman yon kaya nga madalas, dinadaan ko nalang sa pa-blog-blog. Buti dito at pwede kong ikwento lahat ng mga kasiraan ng ulo ko, at wala kayong magagawa kundi ang magpatuloy sa pagbabasa at isipin nalang na talaga ngang sira na ulo ko. Hirap intindihin nang takbo ng utak ko 'no? Kaya nga siguro yung talagang matatatag ang pagkatao ang natitira kong mga kaibigan. Lalo na kasi pag sinusumpong ako, nako, ipagdadasal nyo siguro minsan na sana di nyo na ako nakilala.
Hayyy... Minsan nakakatulig din 'tong nakikinig ng sermon habang nagta-type. Nag-download kasi ako ng kopya nung preaching nung nakaraang linggo ng gabi, tapos pinapakinggan ko ngayon habang nagba-blog. Naiintindihan ko naman, pero medyo basag din kasing pakinggan tong speakers ng laptop ko. Ahay. Sa totoo lang, pakiramdam ko, mukha akong sira ulo. Ano tingin nyo? Hehehe!
Bahala na nga kayo dyan. Tinatamad na'ko. Alis nako, punta pako ng mall. Cge bye.
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
Hi, Still Alive. How’re you?
So I decided to visit my blog. Just because. And of course, since I didn’t delete it, it’s still here. Stagnant. Just observing. Doing noth...
-
Aside from the fact that we might see this Doctor Hayden Kho and Katrina Halili and a bunch of other girls like this Maricar Reyes (who I mi...
-
After a few days of agony, months of review, and several nagging about his playing computer games and watching online documentaries of Jacki...
-
A total of 1,094 out of 2,985 passed the Civil Engineer Licensure Examination given by the Board of Civil Engineering in the cities of Manil...
No comments:
Post a Comment
Thank you for dropping by!