Friday, April 16, 2010

Updates in Tagalog.. Ang mga Bago at Hindi na Masyado...

Sige nga.. Marunong pa ba akong magtagalog... hahah

Unahin natin yung mga naunang nagyari.. Kumbaga, hindi alphabetical order.

Narinig nyo ba na nasunugan ang Waterfront Cebu City Hotel? Andun kasi ako nung magyari yun. Sa katunayan, heto ang isang litrato ni Lito Lapid, kandidato para senador sa halalan sa ika-10 ng Mayo. Nakataas pa ang paa sa mesa sa Lobby. Balewala sa kanya na yung mga kasamahan nya eh mukhang di na magkamayaw kasi nga, diba may sunog sa may labas? O baka, may anting-anting sya? Hmmm. (Pasensya na, low-end ang camera ko eh... paki-click nalang nung picture para lumaki at maaninag nyo nang mas mabuti...)

Tapos, yan na yung itsura nung part na nasunog. O diba.. Di halatang medyo natagalan bago naapula yung apoy.. Nadamay nga yung bodega nang katabing establishment o, kita nyo ba?

Sunod.

Nakakuha na nga ng baller id ang asawa ko ng mga kandidatong iboboto nya daw sa eleksyon... Meron din ako nyan, pero yung kay Gibo lang, di pako sold-out sa vice president na gusto ng asawa ko eh. Manigas sila.

Nanunuod ba kayo ng Agua Bendita? Ang alam ko may post ako na merong detalye na nanunuod ako nun, teka ha. Andito. Eh ano naman kamo? Wala lang. Nakakita na kasi ako ng male version nila. Aws. Sabi nila male sila. Mukha talagang ano diba? ummm, kambal... lol!


Ay oo nga pala, nakita namin si Binay sa isang restaurant, buffet ang tirada. Ang dami naman kasi nila eh. May kapansin-pansin din sa kanya, at hindi ito ang skin tone nya; Mahilig siyang tumingin sa pagkain na nakahain sa buffet tapos magtatanong sya kung pwede bang magpaluto ng iba - hindi ba bale kung parehong putahe o hindi... Bakit kaya ganun noh?

Basta.. O, ayan... tapos na. Bow.



;)

No comments:

Post a Comment

Thank you for dropping by!

Hi, Still Alive. How’re you?

 So I decided to visit my blog. Just because. And of course, since I didn’t delete it, it’s still here. Stagnant. Just observing. Doing noth...