Monday, November 22, 2010

Eh sa babae anak ko, bakit ba?!

An open letter (hate mail) for all those na ganito magreact sa mga buntis na babae ang anak. You might want to recall kung kayo ba 'to. If you're not, then disregard. Pero kung kayo, ay nako, mag-isip nga kayo ng malalim. Especially kung ako ang ginanito nyo:

Sa totoo lang, naiinis na ko sa mga taong nagtatanong kung babae ba or lalaki tong pinagbubuntis ko.
Magtatanong, tapos pag sinagot mo na "babae" o kaya "girl", bibigyan ka ng facial expression na parang  - "Ay... babae... Kawawa ka naman. Sure na ba talagang babae? Di na mababago? Kawawa din asawa mo, babae ang anak nyo."
Bakit ba kung babae ang anak ko ha?! Kayo ba kaya nyo nang magbuntis? Kaya nyo bang i-sure shot na lalaki? Ha? Eh ano kung babae, kayo ba bubuhay? Ha? Kung naging lalaki, susustentohan nyo ba? Hindi nakakatuwa minsan ang mga reaction nyo, kala nyo ok lang? Kala nyo ba nakakapagpagaan ng loob yang mga facial expressions nyo? Kala nyo ba nagtatatalon ako sa tuwa samantalang ang feeling ko ngayon eh para lang akong disgrasyang nabuntis? Ang feeling ng ginagawa nyo eh parang same lang kung nabuntis ako nang hindi ako kasal! 
At kung sa tingin nyo ganito kayong magreact, wag nyo na sa akin itanong ha, kung babae o lalaki. Magtanong kayo sa nakakaalam na, para kung di kayo makapagpigil at nagreact kayo ng ganito, di ko makikita. At para wala akong urge manampal ng taong di ko ka-anu-ano. Ok?

No comments:

Post a Comment

Thank you for dropping by!

Blog Widget by LinkWithin